..HINDI KO TALAGA PWEDENG MAKALIMUTAN ANG LUGAR NA UN... BAWAT SULOK NG KWARTONG UN EH NAGPAPAALALA NA MINSAN KANG NAGING BAHAGI NG BUHAY KO.. PANU KO NGA MALILIMOT UN EH DUN DIN NABUO SI KALLEY.. DUON DIN NATIN SABAY NA BINUO ANG MGA PANGARAP NATEN... MGA SIMPLENG PANGARAP NA MADALAS NATING MAPAG-USAPAN HABANG TUMUTUGTOG AKO NG GITARA SA GABI.. O SA TUWING TAHIMIK ANG PALIGID AT PAKIRAMDAM NATIN EH PARANG SOLO NATIN ANG MUNDO..
SAYANG NGA LANG DAHIL MAGBABAKASYON NA NUN.. KAYA UMUWI MUNA KO SA BULACAN AT BUMALIK KA MUNA SA PASIG... NUNG MGA PANAHONG UN, ALAM KO NA RIN NA NABUO NA NGA SI KALLEY.. HINDI PA NAMAN HALATA DAHIL PANGALAWANG BUWAN PA LANG NAMAN.. YUN NGA LANG, PAREHO TAYONG NATAKOT SA MGA SUSUNOD PANG MANGYAYARE.. KAYA NAISIPAN NATIN NA BAKA PWEDENG INUMAN KO NA LANG NG GAMOT.. SA TEXT NA LANG TAYO NAGKAKAUSAP HABANG SINOSOLUSYONAN UNG PAGSUBOK NA DUMATING SA'TEN.. KASO, TALAGANG MAPAGLARO ANG TADHANA... MADALAS NA TAYONG MAG-AWAY AT KAHIT SIMPLENG BAGAY LANG EH KELANGAN PA RIN NATING PAGTALUNAN.. SIGURO DAHIL NA RIN SA KALAGAYAN KO NUON KAYA MADALI AKONG MAIRITA SYO.. HANGGANG SA DUMALAS NANG DUMALAS NA HALOS ARAW-ARAW AY WALA NA TAYONG BAGAY NA NAPAGKASUNDUAN... DUN NA RIN NAGSIMULANG MAWALAN KA NG ORAS SA'KEN... ANG ISANG ARAW NAGING DALAWA, TATLO, APAT.. HANGGANG NAGING ISANG LINGGO, DALAWA, TATLO AT NAGING ISANG BUWAN.. OO.. ISANG BUWAN KA NA RIN HALOS HINDI NAGPARAMDAM SA'KEN NUN... MAGPAPASUKAN NA NG 4TH YEAR, UNANG ARAW NG KLASE, HINDI KITA NAKITA... ANG SABI NG MGA CLASSMATES MO, HINDI KA RAW PUMASOK... LUMALAKI NA RIN ANG TYAN KO NUN...TAKOT AKONG HARAPIN ANG PAGSUBOK NA UN NANG AKO LANG MAG-ISA PERO MAS NATAKOT AKO SA DIYOS KAYA NAGDESISYON NA RIN AKONG ITULOY NALANG... DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS HINDI KA PA RIN PUMAPASOK SA SCHOOL... SA PUNTONG UN, MAY PAKIRAMDAM NA KO NA BALAK MU NGA AKONG TAKASAN.. AT DALA NG SOBRANG AWA NG MGA KAIBIGAN KO, TINEXT KA NILA AT NAKIUSAP SILA SAYO PARA LANG MAGPAKITA AT MAGPARAMDAM KA... APAT NA ARAW ANG LUMIPAS, NAGPUNTA KA SA TAMBAYAN NAMEN.. BAGAY NA HINDI KO INASAHANG GAGAWIN MO... BITBIT MO ANG ISANG KAHON NA MAY LAMANG BROWNIES.. ALAM NA ALAM MO TALAGA KUNG ANO UNG WEAKNESS KO, NAISIP KO.... HINDI KO ALAM KUMBAKET NUNG NAKITA KITA, PARANG NATABUNAN ANG LAHAT NG GALIT KO SAYO NUNG MGA PANAHONG UN... BASTA HINAWAKAN MU NA LANG ANG TYAN KO AT CNABI MO, "ETO NA BA UNG BABY NATEN? MEDYO LUMALAKI NA AH." SA PUNTONG UN, HINDI KO NA NAGAWA PANG MAGALET.. WALA NG DAHILAN PARA SUMBATAN KA PA... KUNTENTO NA KO NA ANDUN KA ULET SA HARAP KO, AT HANDA MONG PUNAN ANG MGA PAGKUKULANG MO...
PAGKATAPOS NATING MAG-USAP, WALA KANG INAKSYANG PANAHON PARA HUMANAP ULET NG MAUUPAHAN NATING BAHAY.. NAGDESISYON NA TAYONG MAGSARILI, MAKAIPON, AT MAMUHAY NANG TAYONG DALAWA LANG.. PINAGSABAY MO ANG PAG-AARAL AT PAGTATRABAHO DAHIL NA RIN SA PAKIUSAP KO NA WAG NATING IPAALAM ANG NANGYARE KAY MAMA AT SA PAMILYA MO...ANG SABI KO NA LANG SA SARILI KO, KAKAYANIN NATIN UN AT SABAY NATING HAHARAPIN ANG PAGSUBOK... HAHARAPIN NATN UN NANG MAGKASAMA... AT ALAM KONG KELANMAN, HINDING-HINDI AKO SUSUKO PARA SAYO..
NAGING MASAYA NAMAN TAYO.. NUNG UNA, MEDYO NAHIRAPAN LANG AKONG MAG-ADJUST SA PAMUMUHAY NATIN... MULA SA DATI KONG GAWAIN NA PAGTAMBAY PAGKATAPOS NG KLASE, PAG-INUM NA PARANG WALA NG BUKAS, AT PAG-UBOS NG ILANG KAHA NG YOSI, NAGSWITCH NAMAN AKO SA PAGIGING ISANG DAKILANG MAY-BAHAY.... PAGKAGALING SA SCHOOL, DERECHO AKO AGAD SA BOARDING HOUSE... HINDI NA TAYO MAGKIKITA NUN DAHIL MAUUNA KA NG PUMASOK SA TRABAHO.. AT AKO NAMAN, MAMAMELENGKE NA PARA MAKAPAGHANDA NG HAPUNAN NATING DALAWA... SA UMPISA, TALAGANG NAPAKAHIRAP... MAHIRAP GAWIN ANG ISANG BAGAY LALU NA KUNG HINDI MO NAMAN NAKASANAYAN...... PERO SINIKAP KO...... SINIKAP KONG MAGBAGO AT GAWIN ANG LAHAT NG MGA IMPOSIBLE DAHIL SAYO, PARA SAYO, PARA SA BUHAY NA PINILI KO... WALA AKONG PINAGSISISIHAN SA TUWING MAAALALA KO ANG MGA BAGAY NA UN.. MGA PAGKAKATAONG HINDI NA KO NAKAKASAMA SA TROPA DAHIL KELANGAN KO NANG UMUWI SA BOARDING HOUSE PARA MAKAPAGHANDA NG KAKAININ NATEN... HINDI KO RIN PINAGSISISIHAN UNG MGA PANAHONG NAPUPUYAT AKO SA PAGHIHINTAY SAYO MULA SA TRABAHO.. AT MASKI HINDI AKO MARUNONG MAGLABA NG DAMIT, HINDI KO NA RIN ININDA ANG SUGAT AT HAPDI NG KAMAY KO PARA LANG MALABHAN UNG UNIFORM MO... HINDI NA RIN AKO NAKAKABILI NG MGA DAMIT KO NUN, DAHIL KELANGAN NATING MAKAIPON PARA SA PAGLABAS NI KALLEY.. KAYA AKO, GOODBYE "luho" NA DAHIL SA KAGUSTUHAN KONG MAKATULONG SAYO... YUNG ELI NA NAKILALA MO NUON NA YOSI GIRL, SHOPAHOLIC, TOMADOR, GASTAROL, GIMIKERA, AT KATINGERA AY NAGING ISANG BAGONG ELI DAHIL SAYO... HINDI MU LANG ALAM KUNG GAANO MO KO BINAGO... KUNG PAANO MO KO BINIGYAN NG IBANG PAGKATAO... KUNG GAANO MO ULIT KINULAYAN ANG MUNDO KO... UNTI-UNTI, NASANAY NA KO SA SIMPLENG PAMUMUHAY KASAMA KA... UNG TIPONG SABAY TAYONG KUMAKAIN... SABAY MATUTULOG.. AT PAGGISING SA UMAGA, IKAW AGAD UNG SASALUBONG SA'KEN.. NAKANGITI NANG TIPID, HAHALIKAN AKO SA NOO SABAY "good morning ma... i love you."............
ARAW-ARAW NAKASANAYAN KO NANG MARINIG ANG MGA KATAGANG YAN MULA SAYO.. ARAW-ARAW, MAY LAKAS RIN AKO PARA GUMISING AT HARAPIN ANG PANIBAGONG HAMON SA BUHAY DAHIL ALAM KONG MAY KAKAMPI AKO....
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ITUTULOY....
No comments:
Post a Comment