.....::--- K A L A W ---::.....

sana magustuhan niyo ang istorya lahat ng mababasa ninyo ay hango sa tunay n buhay.. bilang pag-galang.. nawa'y iwasan natin ang pagkakaroon ng sariling kopya.. bilang pag galang sa karapatan ng may akda..

Thursday, October 21, 2010

KASABAY NG IHIP NG HANGIN (PART I)

PARA KAY KUPS

.............Dumating na ko sa punto kung saan wala na kong mailuluha pa. Naubos ko na kakahagulhol sayo. Kung titingnan ko nga ang sarili ko noon, matatawa siguro ako sa itsura ko. Imagine, para
akong batang paslit na inagawan ng kendi at ng pulang lobo tapos hindi pa makapalag sa umagaw nito...pati siguro ikaw matatawa pag nakita mo ko..!

Pero parang hindi rin. Knowing you, magi-guilty ka at tatahimik ka na lang bigla tapos lalayo. Alam mo na kasi kung bakit ako ganon kagrabeng nag-emote. Ikaw kasi yung "suspect". Ikaw ang nagkasala.. Ang unang bumitaw.. Ang unang nang-iwan!

Ang sama-sama ng loob ko nun. Lalo na nung wala kang mabigay na dahilan kung bakit kailangan mong kumawala. Kung bket kelangan mong umales. Kung bakit mas gusto mong magpunta ng Davao at magbuhay binata.. ganun na lang ba talaga kasimple sayo ang lahat KUPS?

--March 19 nung nalaman kong nasa Davao ka na pala.. nagtext ka na parang walang nangyare... na parang ganun lang kasimple! Kaya umiyak ako. At umiyak. At umiyak At umiyak ng umiyak. Wala na kong lakas para
kausapin ka pa kaya sinabayan ko na lang ang pagbuhos ng ulan..

Matagal bago ko tuluyang natanggap na wala ka na. Wala na tayo..
Para bang hindi ko kayang maging
"ELi" na wala si "KUPS" para buuin ito. Lagi akong in-denial noon. Di ko man lang
napansin na marami pa akong kaibigan na handang magmalasakit at makinig. Pero wala talagang pwedeng pumalit sayo.. Sa panahon ring nagkasama tayo, ikaw ang naging mundo ko.
Corny, alam ko, pero totoo. Noon yon!

Ngayon, masaya na naman ako. Nagsisimula na naman kasi akong magmahal ulit. Yun nga lang, walang committment. Walang LABEL. "Friends with benefits and perks" kung tawagen.. Masaya lang ako na kasama sya. Tumatawa ng walang dahilan. Yung alam ko na may handang makinig sa'ken, sa mga kalokohan ko man at kabaliwan. Tama. Kung tutuusin, dapat maging masaya na talaga ko. Pero. Hindi ganun kadali eh. Dahil malalim ang sugat na iniwan mo. Matagal na panahon pa kong magtitiis na pagalingin 'to. At alam ko na mabura man ang sugat na 'to, magpepeklat din.. mag-iiwan pa rin ng MARKA. ):

At ikaw, from boyfriend, nagswitch ka kaagad sa pagiging kaibigan ko. Yun tipong anjan ka lang kase OBLIGASYON mo.. Ansaket noh? Sapilitan. Pwersahan. Hindi bukal sa kalooban! Wala naman masyadong
nagbago eh. Yun na lang ung sinasabi ko sa sarili ko para makumbinsi kong WALA NAMAN TALAGANG NAGBAGO kahit MERON... Sabi ko na lang, nawala lang siguro yung nakatatak noon sa noo natin na "tayo"....

Alam mo, nasasaktan ako kapag may nababalitaan akong kabalbalang ginagawa mo. Ayoko na nga sanang makibalita ng tungkol sayo pero di ko talaga matiis.. Di ko mapigilan ang sarili ko kahit na alam kong kulang na lang eh gustuhin mong mawala na ko sa landas mo.
Minsan gusto ko ulit umiyak para sayo.... para sa'ken... at para sa nangyare sa'ting dalawa. Kaso, wala na kong luhang mailalabas pa.

Naubos na.........

Noon pa.........







(itutuloy...)




_____

No comments:

Post a Comment